 |
10 utos sampung utos ng diyos tagalog |
Dito mo makita ang sampung utos ng Diyos na may ibat-ibang pagkahati, kabilang na dito ang sampung utos ng Diyos sa mga Romano Katoliko, Hudiyo, Ortodokso, at Anglikano. Ang Sampung (10) Mga Utos ng Diyos ay nakalista nang dalawang beses sa Bibliya, una sa Kabanata 20 ng Aklat ng Exodo (
Exodo 20:1-17), at pangalawa sa Kabanata 5 ng Deuteronomio (
Deuteronomio 5:6-21).
Karamihan sa mga Pilipino ay Kristiyano, ang Bibliya ay binabasa at itinuro nang malawak sa Pilipinas. Iisa lang ang ating layunin, ang makasama sa listahan ng mga mabuti.
Ang Sampung Utos ng Diyos sa ibat-ibang pagkahati ng bawat Relihiyon
Utos | Hudiyo | Ortodokso | Romano Katoliko, Luterano** | Anglikano, Repormado, at ibang mga Kristiyano |
Ako ang Panginoon na inyong Diyos. | 1 | 1 | 1 | pasimula |
Huwag kayong magkaroon ng ibang Diyos maliban sa akin. | 2 | 1 |
Huwag kayong gumawa ng mga diyos-diyosan. | 2 | 2 |
Huwag mong banggitin ang pangalan ng Panginoon sa walang kabulohan. | 3 | 3 | 2 | 3 |
Ipangilin mo ang araw ng pagpahinga (sabbath). | 4 | 4 | 3 | 4 |
Igalang mo ang iyong Ina at Ama. | 5 | 5 | 4 | 5 |
Huwag kang papatay* | 6 | 6 | 5 | 6 |
Huwag kang makikiapid sa hindi mo Asawa. | 7 | 7 | 6 | 7 |
Huwag kang magnakaw. | 8 | 8 | 7 | 8 |
Huwag kang magbibintang o magsinungaling sa iyong kapwa. | 9 | 9 | 8 | 9 |
Huwag kang magnanasa sa mga bagay na hindi mo pag-aari. | 10 | 10 | 9 | 10 |
Huwag kang magnanasa sa Asawa ng iyong kapwa. | 10 |
Sana ang bawat isa ay magkaisa saang grupo ka man naroroon iisa ang ating hangarin ang kaligtasan sa bawat isa kapag tayo ay nasa ibang mundo na. Kahit anong pagkahati ang sinusunod natin pero magkaparehong utos lang ang mga ito. Ito ang magsisilbing gabay sa atin upang ating makamit ang buhay na walang hanggan. GOD BLESS US ALL!